Taong 2018, nabuo ang dati’y pangarap lang noon na madala at mailapit ang serbisyo ng St. Vincent Coop sa isla ng Hambil. Sa taong ito, nabiyayaan tayo at nagbukas ang Satellite Office ng Kooperatiba sa isla. Salamat sa ating mga butihing Board of Directors at mga taong naging daan sa katuparan nitong ating pangarap. Sa patuloy na pag usad ng panahon, patuloy din na dumadami ang mga kababayan nating nangangailangan gayundin ng mga handang tumulong sa mga nangangailangan. Kaya, ang Kooperatiba ay kailangang mag-ibayo para sa higit na magandang paghahatid ng serbisyo. Makalipas ang limang taon, ang Satellite Office ay naging ganap ng Branch Office. Ika-16 ng Setyembre taong 2023, naisakatuparan ang conversion mula sa San Jose Satellite Office (SASO) at naging San Jose Branch Office (SJBO).
Ang makasaysayang okasyon ay dinaluhan ng mga butihing Board of Directors sa pangunguna ng ating Punong Direktor, Rev. Fr. Billy V. Gregorio, mga opisyales ng Kooperatiba at ilang mga empleyado ng Head Office sa pangunguna ng ating Chief Executive Officer, Jenebeth P. Conanan. Dumalo rin sa nasabing palatuntunan ang Punong Bayan ng San Jose, Hon. Egdon T. Sombilon. Marami rin sa ating mga kasapi ang nakiisa sa nasabing pagtitipon. Binuksan ang programa sa isang Banal na Misa na pinangunahan ng Kura Paroko ng isla at Spiritual Director ng San Jose Satellite Office, Rev. Fr. Ruben M. Manliguez kasama sina Director Fr. Billy V. Gregorio at Director Fr. Melvin M. Fetizanan.

Sa pangunguna ng HR Manager, Gil C. Francisco, agad ring naumpisan ang programa. Sa kanyang pananalita, binalikan sa nakaraan ng Chief Executive Officer, Jenebeth P. Conanan ang kasaysayan at kasalukuyang katayuan ng ating sangay at ng Kooperatiba sa kabuuan. Ipinaabot din niya ang magandang hangarin ng Kooperatiba na makatulong sa mga mamamayan ng isla. Kasabay ang kanyang panawagan na mapadami pa dapat ang mga kasapi para sa pag-abot ng mga layunin nito.
Ayon sa Punong Bayan, Mayor Egdon Sombilon, ipinaabot nya ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa Kooperatiba, hindi lamang bilang katuwang nito sa buhay at pamumuhay ng mga tao sa isla, kundi pati narin sa mga proyekto ng bayan. “Malaking bagay ang pagkakaroon ng St. Vincent Coop dahil hindi na tatawid ng isla ang aming mga kababayan sa iba nilang mga pangangailangan” aniya. Nagpaabot din ng mensaheng pasasalamat sina Gng. Melysa G. Tolentino, isang guro at Gng. Medy V. Mariano, empleyado ng LGU San Jose. Ayon sa kanila, sa oras ng kanilang mga pangangailangan ang Coop ay nariyan para sila ay tulungan, maliban pa sa mga prebilehiyo at benepisyong natatanggap. Isang magandang pananalita rin ang ibinigay ni G. Martin F. Lasaga III, isa sa mga Board of Directors sa kanyang pangwakas na pananalita. “Ito na yong bunga ng ating pinaghirapan, nagtagumpay tayo dahil sa ating mabuting hangarin at pagpupursigi. Kung maganda ang itinanim, sigurado na maganda rin ang aanihin”, aniya. Inilahad at pinagtibay ang pagiging Branch ng San Jose Satellite Office ng Punong Direktor, Rev. Fr. Billy V. Gregorio at naging saksi ang lahat ng dumalo.
Ito’y isang magandang pangyayari sa mga kasapi at sa buong komunidad ng Hambil, dahil hindi na malayo na madadala na sa isla ang iba pang hatid serbisyo ng kooperatiba. Nandiyan ang mabigyan na sila ng ATM machine na magbibigay ng 24/7 na hatid serbisyo, at di maglalaon ay ang Baymart Store at iba pang hatid serbisyo sa mga kasapi at komunidad.
Ngunit ang tagumpay na ito ay hamon din sa bawat isa na kailangang maipakita ang sama-samang pagtutulungan at ang pagtatangkilik ng mga produkto at serbisyo ng Kooperattiba, maipakita na kayang tumayo sa sariling mga paa, hindi lamang sa salita kundi lalo’t higit sa mga gawa.
Totoo na sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at pagtutulungan, walang hindi makakayanan.
Leave A Comment