Sa patuloy na paganap ng misyon ng St. Vincent Coop, nabigyang katuparan ang pagbibigay ng munting saya at pagpapahalaga sa mga natatanging bata ng Odiongan North and Odiongan South Central Elementary School noong ika-9 ng Disyembre, 2023 na ginanap sa Batiano Covered Court. Ang Outreach Program para sa mga mag-aaral na may natatanging pangangailangan ay naglalayon ng mga sumusunod:
1. Pagpapalaganap ng koneksyon at pakikilahok sa pagitan ng St. Vincent Coop at sa mga recipients’ ng programang ito, ang mga mag-aaral na may mga special needs;
2. Maipalaganap ang kamalayan ng bawat kasapi, kawani at opisyales ng Kooperatiba sa natatanging gampanin ng bawat mag-aaral na may kapansanan;
3. Mahimok ang positibong pagbabago sa pananaw at pag-uugali ng pamayanan sa mga batang may kapansanan at inclusive na pagtanggap sa kanila sa pamayanang kinabibilangan.
Sa diwa ng kapaskuhan, matagumpay na naidaos ang International Day for Person with Disability Celebration, kasabay ng Special Needs Education Year-End Party at ang Outreach Program para sa limampu’t limang (55) mag-aaral kasama ang kanilang sampung (10) guro.
Leave A Comment